ARALIN 1- KONSEPTO, BATAYAN AT URI NG KARAPATANG PANTAO
Magandang araw mga mag-aaral!
Sa araw ng ito, ating tutunghayin ang konsepto at kahulugan ng Karapatang Pantao o tinatawag sa englis na Human Rights. Bago tayo magtungo sa mga kahulugan ay nais kong suriin ninyo ang isang larawan na nasa ibaba. Pagkatapos ninyong suriin ang larawan ay inaatasan ko kayo na sagutin ang mga tanong na nasa ibaba ng larawan. Sasagutin ninyo ang mga tanong sa Padlet tool upang doon kayo maglalabas ng inyong mga opinyon. I-click lamang ang link sa ibaba.
link: https://padlet.com/ejayson476006/rvjtdlchj21u6c5l
Mga pamprosesong tanong:
- Ano ang inyong napapansin sa larawan?
- Ano ang mga ginagawa ng mga tao sa larawan?
- Sa inyong palagay, ano ang kaugnayan ng larawan sa ating talakayan ngayon?
- Maari niyo bang ibahagi kung ano ang Karapatang pantao?
- Sa inyong sariling pananaw, mahalaga ba ang karapatang pantao?
KARAPATANG PANTAO ay mga karapatan na tinatamasa ng bawat tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkamit ng pagkain, damit, bahay, at edukasyon ay isang karapatan. Ang karapatang pantao ay nahahati sa dalawa; indibidwal- mga karapatang sibil, pulitikal, pangkabuhayan, panlipunan at pangkultural; at pangkalahatan - karapatan sa pagpapaunlad ng kabuhayan, lipunan, at kultural.
URI NG KARAPATANG PANTAO
- Sa puntong ito, nais kong magbahagi ng isang akitibi na kung saan kayo ay gagawa ng isang Concept Map gamit ng lucidChart tool. Sa loob ng concept map ay inaasahang maipakita ang mga uri ng karapatang pantao at ang kaugnayan sa isat-sa. i-click lamang ang link sa ibaba.
link: https://lucid.app/lucidchart/invitations/accept/inv_138a0d96-f52c-4f7c-9eeb-dd69e97ddf55?viewport_loc=-11%2C-11%2C1480%2C649%2C0_0
Nais kong ibahagi ang aking nagawang concept map ukol sa uri ng karapatang pantao. napapaloob dito ang personal o indibidwal at kolektibo o pangkatang karapatan. i-click lamang ang link sa ibaba upang makita ninyo ang mga uri ng karapatang pantao.
link: https://lucid.app/lucidchart/invitations/accept/inv_42fbb2e3-1356-4db3-aae6-1aa3fa0801b8?viewport_loc=223%2C-52%2C1480%2C649%2C0_0
MGA BATAYANG LEGAL NG KARAPATANG PANTAO
- Ang karapatang pantao ang naka batay sa Saligang Batas na isinasagawa ng Pilipinas upang maging gabay kung sakali man ay hindi natatamasa ng isang ang karapatan. Bagama't sa pagsilang ay dapat natatamasa na ang kaprapatan bilang tao.Ang Saligang Batas ay isang napakalahangang instrumento ng karapatang pantao na nag sisilbing sandigan ng bawat tao.
Comments
Post a Comment