Posts

ARALIN 1- KONSEPTO, BATAYAN AT URI NG KARAPATANG PANTAO

Image
 Magandang araw mga mag-aaral!  Sa araw ng ito, ating tutunghayin ang konsepto at kahulugan ng Karapatang Pantao o tinatawag sa englis na Human Rights. Bago tayo magtungo sa mga kahulugan ay nais kong suriin ninyo ang isang larawan na nasa ibaba. Pagkatapos ninyong suriin ang larawan ay inaatasan ko kayo na sagutin ang mga tanong na nasa ibaba ng larawan. Sasagutin ninyo ang mga tanong sa Padlet tool upang doon kayo maglalabas ng inyong mga opinyon. I-click lamang ang link sa ibaba. link: https://padlet.com/ejayson476006/rvjtdlchj21u6c5l  Mga  pamprosesong tanong: Ano ang inyong napapansin sa larawan? Ano ang mga ginagawa ng mga tao sa larawan? Sa inyong palagay, ano ang kaugnayan ng larawan sa ating talakayan ngayon? Maari niyo bang ibahagi kung ano ang Karapatang pantao? Sa inyong sariling pananaw, mahalaga ba ang karapatang pantao? KARAPATANG PANTAO ay mga karapatan na tinatamasa ng bawat tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkamit ng pagkain, damit, bahay...